If blogging for me is a form of stress relief or emotional release from random thoughts of mine, magtatagalog na lamang ako para mailahad ko ng mabuti ang aking saloobin. Haha! O kaya taglish nalang para masaya at may...thrill? Hahaha. Okay. Anyway, dahil nag-iisa lamang ako sa mga oras na ito sa aming tahanan (nice!), magbblog nga ako. Heto na...
Ngunit bago ako magumpisa sa topic na gusto kong ilahad, natuwa at natawa daw ako nung binasa ko ang blog ni Ryan Marimla, na aking tatay, kagabi. Para makarelate ka sa akin, basahin mo din. Try mo.. (said sa tono ng Nescafe TV ad..haha). Visit mo ung coldexpress.blogspot.com. So heto na talaga. Start na ako. Commercial lamang iyon. Sumesegway. :)
O eto na talaga. Handa na ba kayo? Haha. Actually, matagal ko na 'tong naiisip. Highschool pa lamang ako. Elementary pa nga yata eh -- nung Grade 6 ako. O diba? Kung anu-ano na daw naiisip ko nun sa buhay. Syempre di naman masyadong hebigat. Ganito lang naman kasi 'yon. Hatid-sundo kami araw-araw. Uso pa nga noon ang "lunch out" so minsan uuwi kami para kumain. Atleast narefresh ka naman pagbalik mo. Pero minsan nakakatamad na bumalik. So bata pa lang ako may pagkatamad na daw ako nuh? Hanggang ngayon naman kaya lagi na lang pang 2nd semester ang pagiging college scholar ko. Pero pramis magsisipag na talaga ako. >:)) (fingers crossed). Mahirap na ang buhay ngayon. Di madaling kumita ng pera kaya pasalamat tayo at nakakapag-aral tayo sa magandang unibersidad. Maraming kabataan ngayon ang gustong mag-aral kaso di kaya ng mga magulang nila. Yung iba nga kung napapanood ninyo minsan sa tv sobrang layo ng nilalakad makarating lang sa kanilang paaralan. Isipin niyo yun (isang malaking buntong-hininga). Samantalang yung iba nakadorm, or walking distance lang pero matamad naman (bato-bato sa langit tamaan wag magagalit. PEACE MEN! Haha). Sabi nga nila ang edukasyon ngayon ay hindi na karapatan kundi pribilehiyo na lamang (Education is more of a privilege, not a right) -- ayan may translation hehe. Pero nakakalungkot isipin diba?
Going back to what I am saying...nasan na nga ba tayo? Sabi ko nga nasa earth. Haha. Ok whatever. At hindi na pala ako home alone. How sad. :( chos! San na tayo nakakarating. Bumalik na tayo sa ating pinaguusapan. Eh di yon. Syempre bata pa kami kaya natural lang ang hatid-sundo. Pero gusto ko talaga matry magcommute nun. Just for once. One time big time. Syempre may kasama naman. Baka maligaw ako. Kaso di naman ako pinayagan. And so we're getting near to my point. If I'm not mistaken, sinabi yata ng aking mother "yung mga kaklase niyo marunong magcommute." Somewhat like that. She'll sometimes say na buti pa sila ganito ganyan. Tapos sasabihin ko sa sarili ko..."pano ako matututo eh ayaw mo naman ako payagan tapos ganyan sasabihin mo." Tama ako diba? Agree? Agree? (for violent reactions, just comment below :p). Pero syempre naiintindihan ko naman. Ayaw lang nila ako mapahamak. Pero kasi eh haha. How will you learn if you will not go on your own? Sabi ko nga sa status ko sa FB: "Only those who will risk going too far can possibly find out how far one can go." -T.S. Eliot. Galing ko yan sa Twitter hehe. Pero siguro dahil nga bata pa ko nun at wala pa ako sa "legal age" --> 18.
At ngayon, 18 na ko. :) Kapag 18 ka na, yung ibang mgggreet sa'yo sasabihin "legal ka na." Pero nakakalungkot isipin na...hindi parin eh. 18 ka na, legal ka na. Meaning to say, it's time to have and make your own decisions in life, as long as you choose what is right and proper. Kung magkamali ka man, ayos lang naman. Everybody makes mistakes. Natural lang naman ang magkamali kasi sa bawat pagkakamaling nagagawa mo, natututo ka. Napakagaling at napakabait mo namang bata kung hindi ka nagkakamali --> "ang bait mo naman sana kunin ka na ni Lord" sabi nga sa kanta ni Black Jack. Isa pa, college na ko. Career ko na sa future ang pinaguusapan dito. Hindi ko naman papabayaan pag-aaral ko syempre. Marami kaya akong pangarap sa buhay. Pati ikaw diba? Kung wala, aba'y huwag kang umasa na aasenso buhay mo. Gusto mo ng instant sa buhay mo? Instant noodles kumain ka sige. Pero eto ah, grab every opportunity that comes in your way and learn from them. Experience is the best teacher ika nga nila. At mahaba na yata ang blog kong ito so I now rest my case. Bow.
Hanggang sa muli kaibigan. Goodluck sa buhay na iyong tatahakin. :)
May Blog ka na nga!
ReplyDeleteGanian talaga ang buhay anak. Na-ouch naman ako sa walking distance. Pero ayos lamang yun nak! May pasintabi naman e.. Hahaha Alam mo, mabuting gawin. Hayaan mu lang ang buhay mo. Huwag ka nalang mag-aral. Haha Try mung maging street child. Try mo! (sa tono padin nung TV ad) Haha Well, kidding aside. You'll know what you're missing when they're gone. Let them. They're still our parents. Kahit minsan, anak sila ng nanay nila! Haha Ang haba na.. Sana may napulot ka. :))
ReplyDeleteYes tay. Alam ko naman yun eh. Salamat :)
ReplyDelete